Blogs‎ > ‎

Araw ng Kalayaan

posted Jun 11, 2014, 5:48 PM by Paulo Tibig   [ updated Jun 11, 2014, 5:48 PM ]

Sa pagdiriwang ng ating kalayaan sa araw na ito,patuloy sana nating isapuso at isaisip ang pagiging Pilipino hindi lang ngayon kung hindi sa araw araw.

maipapakita natin ang pagiging Pilipino sa maraming paraan,mula sa pagsunod sa batas trapiko,paggawa ng mabuti sa ating kapwa,pagpapahalaga sa mga bagay na naibigay sa atin ng ating mga ninuno,, pagpapayaman sa ating kultura at tradisyon at sa ating kaugalian. Pagsikapan natin na maibahagi ang mga ito sa ating mga anak at sa mga kababayan natin na nakakalimot na nito.

Marami pa tayong laban na haharapin,laban na magbibigay pa ng kalayaan - isa na rito ang laban natin sa kahirapan.
Kahirapan,sa karamihan ito ang pinakamalaking hamon na kanilang kinakaharap. malalagpasan natin ito.

,una, pagbabago sa ating kaisipan "mindset" ang mentalidad ng katamaran,alam nating walang kahihinatnan.
magsikap, magbanat ng buto,kumilos.
kung maraming oportunidad mas maraming negosyo,mas maraming trabaho, mas marami ang aasenso.
Linangin natin ang ating mga yaman- sa agrikultura-tayoy nabiyayaan ng napakalawak na pagkukunan. itoy isang negosyong "sustainable" mula sa pagtatanim,pag aalaga at marami pa.tiyak walang gutom,tiyak may pagkain sa hapag kainan.

maraming pwede pang gawin,maraming paraan na kaya nating iangat ang antas ng ating pamumuhay. nasa atin magsisimula ang laban, sa sarili natin. 

kahirapan,kagutuman ay kayang lagpasan,hindi pa huli ang lahat,simulan mo na kabayan.

muli ang kalayaan ay hindi para sa iilan lamang, ang kalayaan ay para sa buong sambayanan.
ipagpatuloy natin ang pagmamahal sa ating bayan,ipagmalaki natin na tayo ay Pilipino sa isip,sa salita at sa gawa.

maligayang araw ng kalayaan sa ating lahat! 

Mabuhay!!